Previous Next

KULMINASYON NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

            Isa ang Buwan ng Wikang Pambansa sa pinakahihintay na pagdiriwang ng mga mag-aaral ng Interface Computer College, Inc.  Pagkakataon ito upang ipamalas ang mga natatanging galing at talento ng bawat pangkat sa pamamagitan ng sariling wika na alinsunod sa paksang diwa: “FILIPINO: Wikang Mapagbago”.

             Ang nasabing tema ng buwan ng wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang kamalayan ng mga musmos na kaisipan ang kahalagahan ng ating wika sa kanilang araw-araw na pakikisalamuha sa lipunan. Ito rin ang naging pamantayan ng talakayan para sa mabisang pagtuturo na may kinalaman hinggil sa mga rehiyonal na dayalekto.

           Ginanap ang kulminasyon noong ika-29 ng Agosto, 2017 sa MP-Hall ng kolehiyo. Ang mga kalahok na nahati sa limang pangkat: Berde, Asul, Dilaw, Pula, at Puti ay nagpakita ng talino, talento, at galing sa bawat paligsahan. Ang mga patimpalak ay kinabibilangan ng Balagtasan, Sabayang Pagbigkas, Sayawit, Katutubong Sayaw, Pista sa Nayon, Spoken Poetry, Slogan at Poster Making, OPM Duet at ang pinakahihintay na pagpapakilala sa mga Lakan at Lakambini ng bawat pangkat.

           Ang mga nagwagi ay ginawaran ng Katibayan ng Pagkilala, samantalang may karagdagang cash prize ang mga nagwagi sa Pista sa Nayon.  

  • Pangkat Puti - OPM Duet, Balagtasan, Pista sa Nayon, Slogan and Poster Making
  • Pangkat Pula - Spoken Poetry at Katutubong Sayaw
  • Pangkat Dilaw - Sayawit
  • Pangkat Berde – Lakan at Lakambini 2017

            Sa huli, itinanghal at ginawaran ng tropeyo ang PANGKAT PUTI bilang PANGKALAHATANG KAMPEON!

Campus Calendar

Check out our online calendar so that you are up to date on exam schedules, activities, and vacation dates...

e-Learning

The flexible nature of elearning means that we are likely to encounter it in everyday life. Some people seek it out in for additional learning opportunities, and for career advancement. Interfacers: Login here

© 2016 Interface Computer College, All Rights Reserved.