Previous Next

Isulong: Wikang Kinagisnan

Ni: Enrico Alvarez

          Agosto, Buwan na naman ng WIKANG PAMBANSA. Ito’y isa sa pinakamahalagang pagdiriwang na iginugunita sa iba’t-ibang paaralan. Ibang tema, ibang mga patimpalak na naman ang magaganap at ito lang makalawa ay nadiriwang ang Interface Computer College ng BUWAN NG WIKANG PAMABANSA na may temang “WIKANG KATUTUBO : TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO.” Ang nasabing programa ay ginanap sa loob ng tatlong araw. Nagsimula ito noong Ika-22 ng Agosto taon ng kasalukuyan sa loob ng bulwagan ng Multi-Purpose Hall (MPH).

          Sa unang araw ng pagdiriwang ng aming Wikang Pambansa inilatag ang ibat-ibang Patimpalak , pinangunahan ito ng Komite sa Paghahanda ng Programa na si Bb. Zelda Navarroza, ang aming College Dean na si Dr. Jerry C. Agbayani Jr., ang aming Vice President of Academic Affairs na si Engr. Levvy T. Traquena , ang aming Senior High School Department Coordinator na si Gng. Mary Grace Gonzales at ang Faculty Teachers ng Interface Computer College. Inumpisahan ito ng Sayaw Panalangin ng Glee Dancer at sinundan ng Pambansang Awit ng Pilipinas kasunod ang pagkanta ng aming Alma Mater Song na Interface Hymn sa pangunguna ng Glee Singers, Panalangin na nagmula kay G. Fred Aldredge A. Ladion ng ICT 11 at kasalukuyang miyembro ng Glee Dancer at naging Tagapagpadaloy ng aming Programa kasama ang isang binibining nagmula sa ABM 11 na si Bb. Cristel Coronel.

          Sa panimula ng programa nagbigay ng paunang pananalita ang aming butihing College Dean na si Dr. Jerry C. Agbayani Jr. Kasunod nito ay pagpuputol ng laso sa iba’t-ibang silid-aralan para sa aming BOOTH DECORATION CONTEST na nilahukan ng ibat ibang Organisasyon ng paaralan. Ang mga itinanghal na Kampeon para sa Best Booth ngayong taon ay Matherrific Club, I-STOHRM at IACS.

          PALARONG PINOY na pinangunahan ni Bb. Paulyne Bueno, kung saan naipakita ng mga magaaral ang kanilang Pagkakaisa, lakas at talino sa ibat-ibang larong Pinoy katulad ng Piko, Tumbang Preso, Agawan panyo at Pagsulat ng baybayin.

          SLOGAN MAKING CONTEST na pinangunahan ni G. Julius Colminas ay isa rin sa mga patimpalak na sinalihan ng mga mag aaral ng Interface Computer College kung saan ang nagwagi ay mula sa Pangkat Ng BRS 12-A1 na si Bb. Allessandra Villanueva.

          Kasunod ang Pagguhit ng makukulay na larawan o POSTER MAKING sa Patnubay Ni G. Julius Colminas kung saan ang nagwagi ay mula sa Pangkat ng ICT 11-A1 na si G. Edrian Caadyang. Kasunod nito ang pagsulat ng isang SANAYSAY sa Patnubay Ni Bb. Mary Grace Ramos kung saan naipakita ni G. Benito Magaoay mula sa BSIT ang kanyang galing sa pagsulat.

          Nagkaroon din ng DEKLAMASYON sa Patnubay Ni Bb. Jane Felizardo kung saan ang naitanghal na kampyon ay sina Anarose Estinopo , Adrian Racca at Shayne Anne Malayas na nagmula sa BSOA.

Isa pa sa mga inaabangan ng bawat mag-aaral ay ang pagbabatuhan ng mga salita o Debate na nilahukan ng mga estudyante mula sa ibat- ibang pangkat sa patnubay ni Ms. Mary Grace C. Ramos. Sa patimpalak na ito nagbatuhan ng mga malalaman na salita ang magkabilang panig, ilan sa mga kanilang napagdebatehan ay ang pagdagdag ng korean language bilang asignatura at ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sa huli ang mga nagwagi ay sina Enrico Alvarez ng ABM 11-A1, Joseph Capili ng ABM 12-A1 at Fred Aldredge Ladion ng ICT 11-A1.

          DIGITAL POSTER MAKING CONTEST, sa Patnubay Ni G. Julius Colminas kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang taglay na galing sa nasabing patimpalak. Unang araw palang ay bigatin na agad ang mga aktibidad na naganap. Kung saan sadyang kita ang saya sa bawat mag-aaral

          Pangalawang araw, ika-23 ng Agosto taon kasalukuyan mas lalong pinaigting ang mga patimpalak na sinalihan ng mga Interfacers.Una na rito ang SABAYANG PAGBIGKAS na pinamunuan Ni G. Arnel Joseph Bacus. Kung saan nilahukan ng mga pangkat mula sa Grade 11 at Grade 12. Ipinakita ng bawat pangkat ang ibat-ibang ekspresyon,bigkas ng salita at mensahe ng kanilang piyesang ginamit. Sa huli itinanghal na kampyon ang pangkat ng HUMSS 11-A1 gamit ang piyesang “Kung tuyo na ang luha mo aking bayan” ni Amado V. Hernandez.

          Ikalawa ay ang SPOKEN POETRY kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento sa pagbanggit ng mga matatalinhaga at mga hugot na salita na may kaugnayan sa tema ng buwan ng wika. Kung saan itinanghal na kampyon si Stephanie Rae Omboy ng pangkat ABM 11-A1.

          Ikatlo ay ang pasiklaban ng talento ng mga mag-aaral sa pagsayaw ng KATUTUBONG SAYAW na pinamunuan ni G. Benjamin Menorca, kung saan ipinakita ng bawat pangkat ang ibat-ibang katutubong sayaw katulad ng Maglalatik, Carinosa, singkil at iba pa. Sa araw na ito bakas sa kanilang mga mukha ang kaba ngunit mananaig pa din ang kasiyahan at galak sa mga mukha ng mga kalahok, at ang itinanghal na kampyon ay nagmula sa pangkat ng DIT na nagsayaw ng singkil.

         Ang Ikahuling araw ay noong ika-24 ng Agosto taon ng kasalukuyan. Sa unang parte ng araw na ito ginanap ang pasiklaban sa larangan ng katalinuhan at ito ay ang TAGISAN NG TALINO kung saan ang mga komite ay sina Bb. Janinnah Enano, Bb. Zelda Navarozza at G. Julius Colminas. Sa patimpalak na ito ay naipamalas ng mga mag-aaral ng Interface ang kanilang galing at talino sa asignaturang Filipino. Sa huli, ang hinirang na kampyeon ay ang pangkat nila Charlene Santos na nagmula sa ABM 12-A1, Christina M. Patdu ng BSBA at Jona V. Ducusin ng BSIT.

          LUTONG PROBINSYA sa patimpalak na ito ay ipinakita ng mga Interfacers ang kanilang galing sa pagluluto ng mga pagkaing pinoy sa patnubay Ni Bb. Sheleilla Moreno. Iba’t ibang luto ngunit iisang pagmamahal lamang ang sangkap na inihalo rito kung kaya’t nakuha ng pangkat ng HOS12/BRS12 ang puso ng mga hurado dahilan upang sila ay magwagi.

          Sa huling bahagi ng programa ay ang araw ng pagtanghal sa mga magwawagi. Ito ay tunay na kaabang-abang para sa mga Interfacers dahil sa pasabog at mainit na labanan ng LAKAN AT LAKAMBINI 2019. Sa pamumuno ni Bb.Mary Joy Escarda, Bb. Paulyne Bueno at Bb.Jane Felizardo, ipinakilala ang ating mga nagagagandahan at nagagwagwapuhang kandidata’t kandidato na kung saan mas napuno ng hiyawan ang bawat sulok ng bulwagan ng Multi Purpose Hall (MPH) matapos magpakilala ang bawat kalahok. Pagkatapos ng isang pampasiglang presentasyon mula sa Glee Singers , sumayaw rin ang mga Lakan at Lakambini ng isang Katutubong sayaw na kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang angking talento kung kaya’t ang mga Interfacers ay mas lalong nag iinit sa buong bulwagan upang magpahiwatig ng kanilang buong suporta sa napupusoang kalahok.

          Nang dumako sa porsyon kung saan susubukan ang talino ng mga kandidata’t kandidato, isang mainit na sagot sa mga ibinibaton ng mga mag tanong ng mga hurado. Sa pagsisimula ng tanungan ay naging mas ka sabik sabik ang mga taong nasa paligid dahil sa mga hinihintay na mga sagot ng mga kandida’t kandidato para husgahan ng mga hurado. Dito malalaman kung Sino ba ang aangat? at Sino ba ang magwawagi ?.Bago ang pagbanggit ng nanalo sa Lakan at Lakambini , binanggit naman ang mga nanalo sa iba’t ibang kompetisyon na nagwagi sa mga patimpalak at ang paggawad ng mga sertipiko sa mga Mag-aaral na nagpamalas ng katalinuhan at kagalingan sa kani kanilang klase . Para sa mga nanalo sa iba’t –ibang patimpalak ay magagawaran ng mga sertipiko at medalya na kung saan ito ang simbolo ng pagkapanalo. Pinangunahan ito ng Komite ng programa na si Bb.Zelda Navarroza , ang aming butihing College Dean na si Dr.Jerry C. Agbayani Jr. , ang aming Senior Highschool Department Coordinator na si Gng.Mary Grace Gonzales. Matapos ang pagpaparangal sa mga butihing mag aaral ng Interfacers ay ibinigay na sa tagapagdaloy ng programa ang kaabang abang na resulta na hinihintay ng lahat. Bakas sa mukha ng mga Interfacers ang pagkasabik lalna ang mga kandidata’t kandidatong naggagwapuhan at naggagandahan ang mga postura at ayos sa kabila ng kaba na gumuguhit sa kanilang mga mukha. Sa pag anunsyo sa mananalo, ay kanya kanyang hiyawan ng pangalan ng napupusuan ang pumuno sa loob ng bulwagan. Kita sa mukha ng lahat ang halo halong emosyon nang tuluyan ng inanunsyo ang nagwagi, nasungkit ni Bb. Romina Beter at G. Christian Lee Formanes ng HOS12-A1 ang korona sa Lakan at Lakambini ngayong taon.

         Tunay nga sa nagdaan na tatlong araw na selebrasyon, sa tulong ng mga masisigasig na mga mag-aaral at mga guro ng Interface Computer College-Caloocan ay naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika taong 2019.

Campus Calendar

Check out our online calendar so that you are up to date on exam schedules, activities, and vacation dates...

e-Learning

The flexible nature of elearning means that we are likely to encounter it in everyday life. Some people seek it out in for additional learning opportunities, and for career advancement. Interfacers: Login here

© 2016 Interface Computer College, All Rights Reserved.